11
Kinabukasan... Sa practice...
"Tol, kanina pa kita hinihintay."
"Si Coach?"
"Ayun. Bakit?" tanong niya. Nagtataka.
"Balik ako, ha? Kakausapin ko lang siya."
"Coach, pwede ka makausap?"
"Oh, Mark, late ka na naman. Ano ba 'yun?"
"Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa."
"Sige."
"Aalis ako sa team natin. Sasama ako sa iba."
"Bakit sa iba pa?" nakakunot-noong tanong niya.
"'Ando'n kasi 'yung mga dati kong kasamahan. Hindi na ako nakatanggi."
"Bibitinin mo naman kami, Mark. Iiwanan mo kami sa ere."
"Si Huget. Malaki magagawa niya sa grupo."
"Ikaw nga lang ang sinundan niyan dito, tapos iiwanan mo."
"Kakausapin ko po."
"Sige, bahala ka. Mukhang hindi ka na talaga mapipigilan."
"Salamat, Coach."
"Sana magkaharap tayo sa Finals."
"Warm up na tayo."
"Kevin, Pare, sa ibang team ako maglalaro," nahihiya ako sa kanya.
"Ha?"
"Pasensya na, Pare."
"Pa'no ako?"
"Hiwalay ang paglalaruan natin ng team."
"Ang labo mo naman."
"Sorry."
"Okey lang. Sige."
Tumalikod na siya. Kinuha ang bola. Nagsimula na siyang maglakad papalayo. Ako naman, umalis na. Pumunta sa practice ng bago kong grupo.
* * *
A week later. Opening ng Petron Junior Basketball Tournament.
Isang oras akong late. Buti na lang wala pa kaming laro. Si Kevin agad ang hinanap ko. Maraming tao. Hindi ko siya makita. Kakausapin ko pa naman siya. Isang linggo na kasi 'yon hindi nagpaparamdam.
"Bukas, second game tayo."
"'Yung dati kong team?"
"Laro sila mamaya. Bracket A tayo. B sila."
"Ah."
"Kevin, Pare," tawag ko kay Kevin. Nasa harapan lang siya. Katabi ng mga dati kong kasama. Out nila.
Hindi ako pinansin ng loko. Sa bench nila ako nakaupo. Katabi ng ilan sa mga kasama ko.
"Mark, kaibigan mo ba 'yung Huget?" tanong ng isa.
"Oo. Bakit?"
"Hanep sa moves. Ang galing gumalaw sa loob ng court."
"Idol ko 'yan."
"Halata nga ha. Kanina ka pa nakatingin sa kanya. Baka naman mainlab ka na niyan?"
"Loko."
"Maraming fans si kano. Marami na kayo."
"Gago."
* * *
Panalo sila kanina. Tinambakan nila yung kalaban. Si Kevin ang nagdala ng dati kong team. Nagpaulan siya ng three-points sa buong laro. Kapansin-pansin siya. Ibang-iba siya maglaro.
Na-miss ko na 'ata si loko. Na-miss ko na 'ata 'yong mga kwentuhan at kulitan naming dalawa. Ang dami kong na-miss sa kanya.
Mai-text nga.
Pare. Congrats.
Suplado ka naman.
Hindi ka namamansin kanina.
Oy. Reply ka naman.
Wala ni isang reply. Makatulog na nga lang.
Isang oras. Hindi pa rin ako makatulog. Babaling sa kanan. Babaling sa kaliwa. Hay. Mai-message na nga lang si Mariel sa YM. Kumustahin ko naman. Hindi pa ako nakakatayo, nakatanggap ako ng tawag.
Ikaw! Nang-iwan ka.
Anong drama 'yan?
Iniwanan mo 'ko sa ere.
Miss na kita, Pare. Tara, libre kita ng Jollibee.
Ganyan ka na pala ngayon.
Lasing ka ba?
E ano ngayon?
Itulog mo na 'yan. Bukas, mag-uusap tayo.
E kung ayo' ko?
Bahala ka.
Call ended.