10
Sa Manila. Sa kanila.
Isinama ako ni Kevin sa bahay nila sa Manila. Nakilala ko ang kanyang mga magulang. Ipinakilala niya ang kanyang nakababatang kapatid at mga kaibigan. Isinama niya ako sa kanyang eskwelahan at kung saan-saan. Marami kaming napuntahan sa loob ng limang araw. Maraming pahina ng kanyang buhay ang aking nabasa pero mas gusto ko pa siyang makilala. Masaya ako kapag kasama ko siya. Marami kami napagkakasunduang dalawa.
"Pare, may basketball tournament daw sa isang linggo ah."
"Oh?"
"Ipapasok namin yung dating team."
"Ah."
"Isasama kita sa 'min."
"Kinukuha din ako ng grupo ko."
"Sayang."
Napaisip siya.
"Sige. Sama na 'ko sa inyo."
"Ayos."
"Sa isang araw daw, may practice na tayo."
"Kasama na talaga ako?"
"Oo. Nasabi ko na sa kanila. May malakas kako akong isasama sa grupo. Ikaw 'yun."
"Sus."
* * *
Kinabukasan.
Sam. Greg. Erik. Bisitang hindi ko inaasahan. Mga barkada ko no'ng highschool. Buo ulit kami ngayon. Lahat kami naging magkakaibigan dahil sa hilig sa basketball. Matagal na kaming hindi nagkakasama-sama. Pagkatapos kasi ng highschool graduation, nagkahiwa-hiwalay na kami ng landas. Ako, naiwan dito. Si Sam, napunta ng Amerika. Do'n na siya nag-aral. Si Greg, nursing student sa Manila. Si Erik, sa Cebu. Do'n talaga sila nakatira. Ang gulo pa rin namin. Parang highschool lang. Hindi maubusan ng pag-uusapan. Halos lahat, mga kagaguhan namin noon.
"Mark, buo tayo ng team," aya ng isa.
"Nako, Pare, hindi na 'ko pwede."
"Minsan lang 'to, Mark. Minsan lang tayo mabuo. May team ng binubuo yung kilala ko, naka line-up na tayong apat."
"Nakakahiya kasi, Pare, sa na-oohan ko na. May team na kasi ako."
"Pwede 'yan. Ikaw pa. Kayang-kaya mo 'yan ilusot."
"Subukan ko."
"'Wag na. Baka napipilitan ka pa," sabi ng isa.
Napakamot na lang ako sa ulo.
"May dadal'in akong isa. Dalawa kami sasama," sabi ko. Iniisip ko si Kevin.
"Hindi na pwede. Katorse na tayo. Wala nang atrasan. Buo na tayo."
"Patay do'n. Sige, bukas, malalaman niyo sagot ko."
Kahirap naman magdesisyon.
* * *
Tol san ka? Pupuntahan kita.
May lakad ako.
Ah. ganon ba.
Bukas. Agahan mo. Practice. Alas otso.
Oo.
Pasensya na.
Bakit?
Bukas na lang.
Sige.