42


Natigilan ako nang ilang minuto, litong-lito sa kung ano ang gagawin ko. Sa gitna ng mga nakabiting katanungan sa isip ko, bigla-biglang nanumbalik ang mga alaala ng kahapon kasama siya. Mabilis na dumaan ang mga 'yon. Saglit lang, pero tumagos sa puso ko.

Tinawagan ko siya para makausap nang masmaayos. Na-miss ko 'ata bigla ang isang Mariel Santos.

Oh. Bungad na salita pa lang mula sa kanya, alam kong may dinaramdam siya.

'Wag ka naman ganyan. 'Di ba sabi ko sa 'yo ayo' ko na umiiyak ka?

Bad ka kasi eh.

Sabi ko pa sa 'yo dati ayo' ko ng nagbe-baby talk, ah.

Sorry.

Ayo' ko rin ma-drama.

Hahaha.

Good.

Tiniis kong maging malayo sa 'yo dahil—

Psst. Ayan ka na naman. Hindi mo na kailangan na sabihin 'yan dahil naiintindihan kita... naiintindihan na kita. Basta. Kwentuhan mo na lang ako.

Hmmm. Ng ano naman?

Kahit na ano. Mga bagay na hindi ko alam... tungkol sa 'yo.

Meron ka pa bang hindi alam?

Basta. Basta. Marami pa.

Alam mo na bang miss na miss na kita, ha?

Patay do'n!

Matagal kaming nagkausap. Samo't saring mga napagkwentuhan... may mga binalikan... may mga bago at may mga wala lang.

Bumalik ako sa kama nang magaan ang pakiramdam.


* * *


Gumalaw ako pakaliwa, pakanan. Humilig ng konti at nag-unat. Bumangon at umupo sa kama habang ang mga mata ay nakapikit pa rin. Naghikab. Nag-unat ulit.

"Good morning!"

Nananaginip pa yata ako.

Kinuskos ko ang mga mata ko, dumilat, nasilaw sa liwanag. Kinuskos ko ulit. 'Eto na yata ang epekto ng kulang sa tulog.

"Mukhang napuyat, ah," sabi ng nakaupo sa harapan ko.

Minulagat kong mabuti ang mga mata ko. Tinignan ko mabuti ang nasa harap ko.

"Maghilamos ka muna. Puro muta ka pa. Tssk." Siya ulit ang nagsalita.

"Buset ka. Ikaw lang pala."

"Bakit? Ayaw mo ba ako makita?"

"Akala ko kasi kung sino na."

"Sino ba kasi ini-expect mong makita?"

"Wala."

"Ako?"

"Konti. Hehehe."

"Oh, 'eto para sa 'yo."

"'Yan na naman? Baka naman pagtuntong ko ng trenta mamatay na agad ako sa sobrang taas ng cholesterol."

"Naman, Mark."

Itinaas niya ang kanyang kanang paa na natapilok kagabi.

"Oh bakit puro balot yan?"

"Binendahan ko ng tatlong rolyo. Hinigpitan ko tapos nilagyan ko pa ng medyas. Pinilit ko kahit na masakit pang ilakad makapunta lang dito tapos... tapos eto. Ang aga kong gumising, hano?"

"Awww. 'Sensya na, ha? Tara, 'eto hati tayo."

"Para talaga sa 'yo 'yan. Kumain na 'ko kanina pa."

"Ah. Kanina ka pa ba dito?"

"Yup."

"Owws?"

"Oo nga. Ang sarap ng tulog mo eh, kaya hindi na kita ginising."

"Teka, punta muna ako ng banyo. Nakakahiya naman sa 'yo."

"Sige. Buti naman."

Naghilamos ako. Nag toothbrush. Nag-ayos ng buhok. Natagalan ako sa loob.

"Bakit mo pa pinilit na puntahan ako dito. Eh di sana ako na lang ang pumunta sa bahay niyo."

"Eh mukhang problemado ka eh. Nag-e-emo-emo ka na kasi kagabi. Hindi tuloy ako mapakali kakaisip sa 'yo."

"Ke-vin.... Alam mo, nakausap ko si Mariel kagabi."

"Oh."

"Uuwi daw siya."

"Masaya ka?"

Tumango ako.

"Kelan?"

Umiling ako.

Ilang segundo kaming natigilan.

"Kevin."

"Oh."

"Kami na ulit."


   
Buy Me A Coffee

Story Copyright © 2010 Sympaticko