58


Three weeks later...


Sa bahay nina Kevin.

3 PM.


"Mark, what can you say?"

"The best... Tita."

"Si Kevin nagluto ng sauce n'yan."

"Wow."

"Kinukulit ako kahapon pa. Magluto daw kami ng spaghetti."

"Kaloko."

"Akala ko nga, may dadal'ing girlfriend."

"Hahaha!"

"Si bestfriend pala."

"Thanks, Tita."


"Tita... hiramin ko lang si Kevin mamaya, ha? Hanggang bukas po ng gabi."

"Sure. Gusto mo sa 'yo na siya eh."

"'Wag naman po. Hehe."

"Okey lang kahit kelan mo isoli."

"Kawawang Kevin..."

"Hahaha!"

"Thanks ulit, Tita."


After thirty minutes, dumating na si Kevin, pawisan.

"Oh, 'ayan na 'yung Coke mo, Mark. Ang layo ng nilakad ko... para lang 'jan." Hihingal-hingal.

"Ba't kasi bumili ka pa?"

"Nakakahiya naman sa 'yo eh."

"Hahaha!"

"Wala bang kiss?"

"Loko."


"Kain ka na."

"Kumain ka na?"

"Oo."

"Ba't hindi mo man lang ako hinintay?"

"Eh pinakain na kasi ako ng mommy mo eh."

"Kahit na."

"Nagugutom na kasi ako..."

"Binil'an pa naman kita ng Coke."

"Sige. Kakain na lang ulit ako."

"Lupet."

"Hahaha!"


* * *


Sa bahay namin.

6:30 PM.


"Mark, dumaan dito 'yung ninong mo. 'Yung van na—" salubong ni Yaya. Inakap ko agad siya.

"Maya na lang natin 'yan pag-usapan, Yah," bulong ko sa kanya.

Tumango si Yaya. Ngumiti na lang ako. Si Kevin naman, nakatingin lang sa amin.


"Ano 'yun?" tanong ni Kevin habang paakyat kami ng kwarto ko.

"Anong ano?"

"'Yung tungkol sa van..."

"Ahhh. Wala."

"Anong wala?"

"Lahat naman tinanong mo."

"Sus."


"Mark..."

"Oh."

"Ba't ba kasi hindi ka na lang naging babae?"

"Nananahimik ako dito, Kevin."

"Seryoso 'ko."

"Bakit kaya hindi na lang ikaw ang maging babae? Tutal, ikaw naman nakaisip n'yan."

"Oh, sige. Wag na."

"Kung ano-ano kasi pinuproblema mo."

"Ikaw naman."


Kinuha niya 'yong gitara ko na nakasabit sa likod ng pintuan, inabot sa 'kin.


"Bakit?"

"Tumugtog ka. Sayang naman 'yang gitara mo, bumili-bili ka, hindi mo naman ginagamit."

"Ginagamit ko 'to."

"Walang kagasgas-gasgas, bagong-bago pa. Ginagamit ka 'jan."

"Nakakatamad kasi eh."

"Tuturuan nga kita."

"Marunong na 'ko."

"Sige, sample."

"Hindi pa pala. Tatlong chords pa lang pala alam ko."

"Hahaha! Sige, tuturuan kita."


Intro: A-F#m-D-E-A


"'Yung kamay mo."

"Kahirap naman."

"Nag-uumpisa pa nga lang tayo eh."

"Oo na."

Pinalo niya 'yung kamay ko.

"Aray naman, Kevin."

"Katigas kasi ng ulo mo. Diinan mo kasing mabuti."


A
I was standing
F#m
All alone against the world outside
D
You were searching
E
For a place to hide
A
Lost and lonely
F#m
Now you given me the will to survive
D E A
When we're hungry... love will keep us alive


"Mark..."

"Oh."

"Salamat, ha?"

"Para saan?"

"Sa lahat."

"Kadrama mo."

"Hehe."


Stanza Chords A-F#m-D-E-A


Don't you worry
Sometimes you've just gotta let it ride
The world is changing
Right before your eyes
Now I've found you
There's no more emptiness inside
When we're hungry... love will keep us alive


"Mark..."

"Ano?"

"Miss na agad kita."

"O.A. mo."

"Ikaw naman."


D
I would die for you
F#m
Climb the highest mountain
Bm E-D-C#m-B
Baby, there's nothing I wouldn't do

Stanza Chords A-F#m-D-E-A

Now I've found you
There's no more emptiness inside
When we're hungry... love will keep us alive


"Mark..."

"Kevin..."

"Wala lang."

"Wala lang din."

"Gano'n sana!"

"Teka... linya ko 'yun ah."

"Patay do'n!"

"Sa 'kin din 'yun ah."

"Hahaha!"


D
I would die for you
F#m
Climb the highest mountain
Bm E-D-C#m-B
Baby, there's nothing I wouldn't do


"Mark, aku cinta kamu."

"Ano 'yun?"

"Secret."

"Kevin..."

"Oh."

"Gagu mu."

"Mark... I love you."

"Ha?"

"Aku cinta kamu means I love you in Indonesia."

"Ka-corny mu!"

"Hahaha!"


Stanza Chords A-F#m-D-E-A

I was standing
All alone against the world outside
You were searching
For a place to hide
Lost and lonely
Now you given me the will to survive
When we're hungry... love will keep us alive
When we're hungry... love will keep us alive
When we're hungry... love will keep us alive


"Mark..."

"Ano na naman?"

"Alam mo?"

"Na?"

"Na tayo ang pinakajologs sa lahat ng mga jologs."

"Mali ka."

"Oh, bakit?"

"Ikaw lang ang pinakajologs sa lahat ng mga jologs. Nahahawa lang ako sa 'yo."

"Hahaha."


"Marky Boy... kung magiging superhero ka, sino ka?"

"Hmmm. The Flash."

"Wala yan sa 'kin."

"Ikaw ba?"

"Kung magiging superhero ako, ayo' kong maging the Flash, ayokong maging si Superman, hindi rin si Spiderman o si Batman..."

"Sino?"

"I'm Your Man... KailanMAN! Naman!"

"Uto!"


"Tulog ka na."

"Maaga pa."

"Gabi na."

"Kwentuhan pa tayo."

"Hindi ka pa ba nagsasawa?"

"Basta."

"Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas."

"Sunday bukas."

"Oo nga."

"Bakit maaga?"

"Basta."

Pinatay ko na ang ilaw. Nauna na 'kong humiga, sumunod na rin naman agad siya. Hindi na 'ko kumibo para makatulog na siya.

"Oy... Oy, Mark... Mark." Inalog-alog niya ako. Hinampas ng unan, ginulo ang buhok, kinalabit.
Buset na 'to. Akala ko natutulog na.

"Ano ba problema mo? Natutulog na 'yung tao eh."

"Kwentuhan pa tayo."

"Antok na antok na nga ako."

"Jollibee tayo? Libre ko."

"'Wag na. Ireserba mo na lang 'yan para bukas."

"Ha?"

"Never mind, Kevin."

"Oy, Mark, ano 'yun?"

"Basta. Matulog na tayo. Magsasawa ka bukas sa kwentuhan."

"Sige."


* * *


10:30 PM.


"Oy, Mark.. may itatanong lang ako sa'yo."

"Takte naman, Kevin."

"Alam mo bang namatay na pala si ano?"

Napaharap bigla ako sa kanya. "Sino?"

"Si Jose."

"Jose?"

"Jose Rizal."

"Tang 'na!"

"Hahaha! Mark..."

"Ano?!"

"Good night."


* * *


2:00 AM.



Hindi na 'ko nakatulog. Dahan-dahan akong bumangon. Tahimik na naglakad palabas ng kwarto. Bumababa. Lumabas ng bahay.

Chineck ko 'yong sasakyan. Kararating lang halos. Ayos.

Pumanhik ulit ako sa taas, sa kwarto. Maingat kong ginayak ang bihisan namin. Naligo na 'ko pagkatapos.

Umupo ako sa tabi ng tulog na tulog na si Huget, naghihilik pa. Pinagmasdan ko siya. Tinitigan nang matagal, ng ilang minuto. Napapangiti pa 'ko na parang ewan.

"Kevin... Kevin... gising."

Bumaling-baling. Niyakap ang unan. Nagkuskos ng nakasarang mga mata pagkatapos wala na. Tulog pa rin si loko.

Pinitik ko ang kaliwang tenga ng malakas. Wala.

Pinitik ang ilong. Wala pa rin.

Sinipa ko. 'Ayun nagising.

"Mark..." sabi niya habang naghihikab.

"Gising na."

"Anong oras na ba?"

"Alas dos y medya."

"Ng umaga?"

"Oo."

"Ano ba meron?"

"Basta. Bumangon ka na 'jan. May pupuntahan tayo."

"Ha?"

"'Wag ka na marami pang tanong. Maligo ka na du'n."

"Ha?"

"Ha ka nang ha."

"Hahaha."

"Mag toothbrush ka na."

"Kayabang mo naman."

Hinatak ko na siya sa banyo. Inabot ang tuwalya at mga bihisan niya. Yung paborito niyang white Giordano na binigay niya sa'kin at yung shorts na hiniram ko sa kanya nung makalawa.

Pagkatapos maligo.

"San ba tayo pupunta, Mark?"

"Basta."

"Wala 'kong sasakyang dala."

"Alam ko."

Bumaba na kami. Nakita niya 'yong isang van na kulay pula na nakaparada sa harap ng bahay. Nauna akong lumapit. Sumunod naman siya.

"Sakay."

"Jan?"

"Oo."

"San mo ba nadekwat 'yan?"

"Loko. Rent ko 'yan."

"Rent?"

"With discount."

"Hahaha!"

"Tara na."

"Sa'n tayo pupunta?"

"Bahala na."

Nauna na 'kong sumakay. Ako ang driver at siya naman, katabi ko sa front seat. Cellphone at wallet lang ang dala namin parehas.


* * *


San Fernando City, Pampanga.

3 AM.


Huminto kami sa isang gasoline station. Nagpa-gas.

"Ba't full tank ka?"

"Ang dami mo naman tanong, Kevin. Lahat na lang."

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa malayo."

"Astig."

"Hehe."

"Excited na me!"

"Good."

"Lucky me!"

"Hahaha!"


* * *


Mexico, Pampanga.

3:30 AM.


Sa wakas. May nakita akong isang vulcanizing. May maliit na karinderya sa tabi. Pumarada ako sa gilid. Nagpahangin ako ng gulong sa magkabilang likod at pina-check na rin 'yong dalawa sa unahan. Um-order kami ng tig-isang kape ni Kevin. Naubos ko ang isang tasa, pero siya, kalahati lang. Kaya ako na rin ang umubos no'n para sa kanya. Inaya ko siyang mag-yosi. Sabi ko trip lang, pero binatukan ako ng loko. Mahina lang naman.


* * *


Arayat, Pampanga.

4:20 AM.


Pumwesto kami sa bahagi kung saan walang bahayan. Medyo madilim pa pero maaninag mo pa rin ang bundok Arayat. Nakakatakot pala pagmasdan kapag madilim. Parang isang higante na ano mang oras ay kakain ng tao, maninira ng mga bahay, hahabulin kami at lalabanan namin pero matatalo siya. Hahaha! Sinabi ko 'yon kay Huget. Sabi ba naman sa 'kin, para daw akong bata kung mag-isip. Gano'n na ba 'yon?

"Nasa'n ka nga pala kagabi?"

"Ako?"

"Oo."

"Anong tanong na naman yan, Kevin?"

"...wala ka kasi sa panaginip ko."

"Putek!"


* * *


Cabiao, Nueva Ecija.

5:15 AM.


Hinintuan namin ang isang umpukan ng mga tao na nagkukwentuhan malapit sa terminal ng jeep sa isang crossing. Nagtanong kami kung anong mga bayan ang susunod. Mababait naman ang mga tsuper na napagtanungan namin. Inalok pa nga kami ng kape. Kukuhanin ko sana, pero sabi ni Huget, hindi man lang daw ako nahiya. Sayang naman, kako, kung tatanggihan ko.


* * *


San Isidro, Nueva Ecija.

6:00 AM.


May lumang simbahan sa tabi ng daan. Nakalimutan ko na 'yong pangalan. Nakabukas na kahit ganito kaaga. May mangilan-ngilan nang tao. May nagnonobena. May mga ilang nagtitinda ng kung ano-ano sa paligid. Parang malapit na ang fiesta. Parang lang naman. Hula ko lang, kasi may mga banderitas na nakasabit sa harap ng simbahan.

Pumasok kami ni Kevin sa loob. Naupo sa bandang likod kung saan bakante ang karamihan ng upuan.

"Mark, ano pinagdasal mo?"

"Pati ba naman 'yan tinatanong mo."

"Ako, ikaw ang pinagdasal ko."

Mukha ba 'kong sanggano para ipagdasal ng lokong 'to, sa isip-isip ko.

"Bakit ako?" tanong ko.

"Sa pag-alis mo. Sabi ko sa Kanya, 'wag kang pabayaan sa lahat ng oras."

"Salamat."

"Ipagdasal mo din ako."

"Ano naman sasabihin ko?"

"Na wag akong masyadong malungkot kapag umalis ka na."

Patay do'n!

Paglabas namin ng simbahan, pataas na ang haring araw. May nakabisikletang tumatawag ng pandesal. Pinara, este, tinawag namin. Tinanong ko kung magkano. Dos daw ang isang piraso. Bumili kami ng sampu. Pito ang akin, sa kanya ay tatlo.


* * *


Gapan City, Nueva Ecija.

7:00 AM.


Nakita ko si Jollibee. Drive thru na lang, kako, para tuloy-tuloy ang biyahe pero kinontra ni loko. Mas maganda daw kung do'n na kami kakain para hindi na kami mahirapan pareho.

"Malayo-layo na tayo ah. Sa'n ba tayo pupunta?"

"Baguio."

"Baguio?"

"Oo."

"Di nga?"

"Oo nga."

"Owsss?"

"E di wag ka maniwala."

"Pangit 'yung panahon. Hindi maganda umakyat sa Baguio ngayon."

"Hayaan mo na."

"Madulas ang mga daan paakyat."

"Bahala na."

"Bahala ka."


"Mark... napalayo pa tayo kung sa Baguio tayo pupunta. Dito mo pa dinaan. Pwede naman du'n sa kabila sana."

"Sino ba nagsabi sa Baguio tayo pupunta?"

"Kagulo mo."

"Hahaha!"

"Sa'n ba talaga?"

"Basta sumakay ka na lang."

"Hay."


* * *


San Leonardo, Nueva Ecija.

7:40 AM.


"Ilakas mo yung volume."

"Malakas na."

"Itodo mo."


So you sailed away
Into a grey sky morning
Now I'm here to stay
Love can be so boring

Nothing's quite the same now
I just say your name now


"Mark... ikana mo. Rakenrol!"

"Uto. Pang-emo yan. Rakenrol ka 'jan."

"Ay, oo nga pala. Emo-rol!"

"Spanish roll!"


But it's not so bad
You're only the best I ever had
You don't want me back
You're just the best I ever had


"Mark... say hi."

"'Wag ka magulo. Baka mabangga tayo."

Inilapit niya 'yong cellphone cam niya sa mukha ko.

"Music video 'to Mark. Kumanta-kanta ka kunwari."

Inikot-ikot niya 'yong camera. Ipinocus sa kalsada, sa mga bahay sa daan, ibinalik sa loob ng sasakyan.


And it may take some time to
Patch me up inside
But I can't take it so I
Run away and hide
And I may find in time that
You were always right
You're always right

So you sailed away
Into a grey sky morning
Now I'm here to stay
Love can be so boring


Ipinocus niya 'yong camera sa kanya. Dumila. Ngumiti. Nagpakaewan. Kumanta nang todo hiyaw. Ipinocus sa akin ang camera. Nagbawas ako ng takbo para maganda ang rehistro ko sa music video. Hahaha!


What was it you wanted
Could it be I'm haunted

But it's not so bad
You're only the best I ever had
I don't want you back
You're just the best I ever had
The best I ever had
The best I ever...


"Ayos!"

"Apir!"

"Ap—"

"Ooop. 'Wag na pala, baka madisgrasya pa tayo."

"Hahaha!"


* * *


Sta. Rosa, Nueva Ecija.

8:30 AM.


"Mark, itigil mo sa gilid."

"Bakit?"

"Ihing-ihi na 'ko."

"Hanap na lang tayo ng gasolinahan. Pigilin mo na lang muna."

"Hindi ko na kaya."

"Hahaha!"

"Itigil mo na 'jan sa gilid."

"Expose na expose ka naman 'jan, Kevin."

"Sige na. Hindi ko na talaga kaya pigilin."

"Meron 'jan bote ng Coke. Pwede na du'n."

"Gago."

At itinigil ko nga ang sasakyan. Hindi na humanap ng kahit anong puno na pagtataguan. Sa gulong pa napiling umihi. Hanep Huget!

Hindi pa kami nakakalayo, may nakita kaming isang covered court. May mga taong nagsu-shoot ng bola. Nagpapasahan. Nagbebekan. Parang masaya, kaya nakisali kami. Pustahan pala. Hahaha! May anim na tao; pusta ay sampung piso kada isa. Sumali ako. Unang round, laglag agad ako. In short, talo agad ang sampung piso ko. Sa pangalawa, nakaabot naman ako sa second round pero kapos ang tira ko pagdating sa one on one. Takte! Sa sumunod, si Huget na ang kumana. Panalo sa una. Panalo sa pangalawa. Panalo sa pangatlo. Nakaipon kami ng mahigit isang daang pisong panalo. Nagbigay naman kami sa mga natalo ng, kahit papa'no, tigpi-piso. Pangyosi, kako. Sabay sibat na kami. Swerte!


* * *


Zaragoza, Nueva Ecija.

9:50 AM.


Nagmenor ako mga 100 meters bago sumampa sa isang mahabang tulay.

"Kevin, sabi nila kapag napigil mo daw na 'wag huminga at nakatawid ka sa mahabang tulay tulad niyan, matutupad daw ang wish mo."

"Sus."

"Totoo."

"Tara?"

"Mag-wish ka muna."

"Meron na."

"Ano?"

"Secret."


20 meters away.

"Ready?"

"Ready!"

"One, two, three... stop breathing..."

- - -

- - -

"Nagawa ko!" Tuwang-tuwa siya.

"Hahaha!"

"Ikaw ba?"

"Hindi eh." Hindi niya alam, hindi ko naman ginawa.

"Sayang."

Gawa-gawa ko lang 'yon. Binagalan ko pa 'yong takbo ng sasakyan para mahirapan siya sa pagpipigil ng paghinga. Na-guilty tuloy ako. Sasabihin ko sanang joke lang 'yon pero parang ang saya-saya niya kaya hinayaan ko na lang siya. Ano kaya ang wish niya?


* * *


La Paz, Tarlac.

10:30 AM.


"Mark, sa ibang bansa naman tayo pumunta sa susunod."

"Kelan pa 'yun?"

"Kaya ka nga magtatrabaho eh. Pag-ipunan mo."

Patay do'n!

"Ibenta mo kaya 'yung kotse mo para mapaaga ang pagpunta natin."

"Loko. E di kinalbo ako ng tatay ko."

"Hahaha!"

"Gusto ko sa Paris."

"Paris amp!"

"Most romantic city in the world daw 'yun."

"Hindi totoo 'yun."

"Bakit mo nasabi?"

"Wala lang."

"Ikaw ba. Saan mo gusto pumunta maliban sa Dubai mo?"

"Ahhh. Kahit saan. Kaw ba. Bakit sa Paris?"

"Pupunta ako du'n kapag kasama kita."

Hindi na 'ko nakasagot.


* * *


Victoria, Tarlac.

11:15 AM.


Hinto dito. Hinto doon. Nagtanung-tanong kung saan-saan. Mahirap na, baka maligaw. Nakapunta na 'ko noon dun pero hindi ko pa rin matandaan ang mga daan.

Nakikisabay si Huget. Nagtatanong na naman kung saan daw kami pupunta. Sabi ko sa kanya, paulit-ulit na lang siya. Sagot niya, bakit daw ba hindi ko pa sabihin sa kanya. Kako, 'wag ka mag-alala. Basta ako ang kasama mo, safe ka. Natawa siya. Sabi ko na nga ba eh. Kababaw talaga ng kaligayahan.


* * *


Kahabaan ng Mc Arthur Highway.

11:50 AM.


"Nagugutom ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Sakto lang."

"Wag ka mag-alala. Malapit na tayo."

"Saan."

"Basta."

"Siguraduhin mo lang yan, Mark, kun' 'di ikaw ang kakainin ko."

"Gago."

"Green ka na naman."

"Hindi ah."

"Sus."


* * *


Gerona, Tarlac.

12:20 PM.

Nagdahan-dahan na 'ko. Palinga-linga ng tingin sa kaliwa, sa kanan. Pero alam ko sa bandang kaliwa 'yon. Hay. Kahirap pala maghanap. Gusto ko huminto para magtanong pero mawawala na 'yong sorpresa ko kay Huget kaya 'wag na lang. Noong mapunta kasi ako do'n noon, nakasakay lang ako, soundtrip, walang pakialam sa biyahe. Isa pa, matagal-tagal na 'yon.


* * *


12:40 PM.


Nakita ko na rin 'yong signage. Buti na lang. Akala ko naligaw na kami. Halos gano'n pa rin, halos wala pa rin pinagbago.

Maraming sasakyang nakaparada. Siguro dahil weekend. Nililingon-lingon ko si Kevin, tahimik lang siyang parang batang nagmamasid. Wala na siyang mga tanong. Baka nagugutom.

"Welcome to Isdaan Floating Restaurant!"

"Wow" lang ang nasabi niya.

Pasok kami sa loob. Maraming malalaking statue sa paligid. May dinosaur, unggoy, si Ninoy, si Cory, si Cardinal Sin, si Erap, si Manong Guard, Buddha at kung sino-sino pa. Nakangiti si Kevin habang titingin-tingin. Ako, hindi ko rin mapigil ang ngiti dahil sa kanya. Parang bata kasi siya. Ang saya.

Naglakad-lakad muna kami kahit na umambon.

Pagkatapos no'n, diretso na kami sa kubong nakatungtong sa tubig—'yon ang tawag nila. May mga isda sa ibaba, sa tubig. Presko ang hangin, medyo malamig dahil pabugso-bugso ang ulan, pero okey naman.

Um-order agad kami ng tanghalian. Nagigiyera na kasi ang mga bulate ko sa tiyan. In-order niya, adobo. Ano pa nga ba? Sabi ko, order pa siya, treat ko, kaya napaorder pa, pinakbet na lang daw. Hati na lang daw kami do'n. Sabi ko, 'wag na, sa kanya na lang. Unang order ko, kiddie meal, fried chicken and spaghetti, pero ubos na daw. Natawa si Huget pero seryoso talaga 'yong order na 'yon. Um-order pa 'ko. Roasted chicken, inihaw na tilapia at kare-kare at isang kaserolang kanin. Seryoso.

"Baka naman kulang pa sa 'yo 'yan, Mark."

"Gutom na gutom na kasi 'ko."

"Hindi naman halata eh."

"Hehe."

May mga haranista pa. Pinagtripan nga lang namin ni Huget. Nagrequest kami ng kanta, Love Will Keep Us Alive. Hindi daw nila praktisado 'yon kaya pinalitan na lang namin ng kanta ni Lady Gaga. Hindi rin daw alam. Nag-request pa kami nang nag-request. Binigyan ko naman ng tip pagkatapos kumanta. Kinse pesos—dalawang limang piso at limang tig-pipiso. Hahaha! Sabi ko, patawad muna, sa susunod na lang.

Pagkatapos namin kumain ni Huget, naglakad-lakad ulit kami para matagtag ang kinain, este, nilamon ko.


* * *


Unggoy-ungguyan.


One kilo of free fish if you can survive the spitting, urinating monkeys. Higanteng mga unggoy na kasing laki ni Godzilla. Statue lang naman sila. Hahaha! Kung ano-ano na lang ang pakulo nila.

"Mark, try mo. Magaling ka naman sa ganyan."

"Teka. Bakit ako?"

"Unggoy daw eh."

"Lumayo-layo ka sa 'kin, Huget."

"Hehe. Sorry. Joke lang."


* * *


Tacsiyapo Wall.


Ang highlight ng Isdaan experience namin. Pwede mo daw ibatukal, ihagis, ibalibag ang mga bagay tulad ng plato, platito, baso, vase, at TV sa pader kung saan nakasulat ang mga target. Favorite targets on the wall are fling lover, 5-6!, boss/managers/supervisors, etc.! mother/father in law! ...bla bla bla. Pantanggal daw ng stress. Bad trip lang kasi wala sa mga target ang gusto kong asintahin.

"Miss, pwede ba palagyan ng ibang target sa wall?"

"Sir?"

"Palalagyan ko sana ng Mark Lopez III."

"Sorry, sir. Kung ano po 'yung mga nakasulat, 'yun na po 'yun."

"Ah. Gano'n ba. Thanks, ha."

"Welcome sir."

"Miss."

"Sir?"

"Hindi na ba talaga pwedeng lagyan ng Mark Lopez III?"

"Sir naman."

"Joke lang."


"Oy, Kevin, sige ka. Mang-uto ka. Iwanan kita dito."

"Hahaha! Nagbabaka-sakali lang naman."

"Ikaw kaya ihagis ko sa pader."

"Ayan. Napikon na si Mark."


"Tacsiyapo!"

"Kevin, para naman kanino yung basong hinagis mo?"

"Para sa 'yo."

"Para sa 'kin?"

"Oo."

"Bakit?"

"Ayo' ko kasing umalis ka."


"Tacsiyapo!"

"Para naman kanino yung plato?"

"Para sa 'yo."

"Sa akin? Ulit?"

"Oo. Malulungkot kasi ako kapag umalis ka na."

Patay do'n!


"Tacsiyapo!"

"Yung vase?"

"Sa 'yo."

"Okey ka lang?"

"Okey ako ngayon. Hindi ko nga lang alam kung magiging okey pa 'ko 'pag nawala ka na."


"Tacsiyapo!"

"Mark, para kanino 'yun?"

"Ewan."


"Tacsiyapo!"

"Para kanino naman 'yun?"

"Wala lang. Trip lang."

"Ah."


* * *


Tarlac City, Tarlac.

3:35 PM.


After thirty minutes, nakarating kami ng San Roque, Tarlac City. Nagtanong-tanong kami sa gilid-gilid. Pers taym ko kasing pumunta do'n. Nabalitaan ko lang sa mga kaibigan. Nag-research sa internet. Nag-aral ng mga mapa sa Wiki para lang makapunta.


* * *


Kart City, San Roque, Tarlac City.

3:45 PM.


"Kahit pala sa kart racing, talunan ka sa'kin." Sabay tungga ng beer.

"Racing na ba sa 'yo 'yun? Mas matulin pa 'ata ako tumakbo sa mga kart na 'yun eh," sagot ko sabay pulutan, sisig. Salin ulit sa baso, dagdag ng yelo. Tagay.

"O.A. mo naman Mark."

"Hahaha!"

"Oy, nakakailang beer ka na?"

"Isa't kalahati."

"Baka tatlo't kalahati."

"Hehe."

"Baka malasing ka na. Patay tayo. Hindi na tayo makakauwi."

"Sayang naman yung in-order natin kung hindi uubusin."

"Sus. Dito ka pa dumayo ng inuman."

"Ikaw naman, Kevin. Minsan lang naman 'to."

"Hinay-hinay sa pulutan. Baka antukin ka sa byahe."

Pinitik ko yung tenga niya. Ilong ang tinamaan ko. Lasing na ata ako.

"Sinasabi ko na nga ba eh."

"Hehe."

Kinuha niya yung hawak kong bote. Iginilid sa tabi.

"Tama na. Uwi na tayo maya-maya."

Kinuha ko ulit yung bote na may laman pang kalahati. "Isa na lang."

"Last na yan, Mark, ha."

"Yes, boss..."

"Kampay, Pareng Kevin."

"Kampay!"


"Tignan mo 'yung araw, umiikot."

"Ay, lasing na nga talaga."

"Yung ulap, lumalakad."

"Mark, lasenggero!"

"Kevin, mahal ko," pabulong na sambit ko.

"Ano?"

"Gwapo ka, kako."


"Kevz..."

"Kevz? Kabaho naman."

"Kev-kev..."

"Hahaha."

"Mahal kita."

"I know."

"Joke lang, Pare."

"Wala nang bawian."

"Sige na nga."

Palubog na ang araw nang lisanin namin ang lugar. Sapilitang kinuha ni Kevin yung susi kahit ayaw kong ibigay. Siya na daw ang magda-drive. Sabi ko, wala na 'kong amats, hindi daw siya naniniwala. Wala na 'kong nagawa.


* * *


Angeles City, Pampanga.

9:30 PM.


Sweet corn ba ang hanap mo? Hinto ka dito. Tikman mo ako.

Huminto si Huget. Ginising ako. Akala ko naman kung ano. May tinda daw ng mais. Napasabak tuloy ako. Nakaapat na piraso ako. Si Kevin, nakaisa lang. Hindi daw kasi masarap. Sabi ko, sang-ayon ako sa kanya. Natawa naman bigla. Bakit kaya?


* * *


Clark City, Pampanga.

10:30 PM.


"Okey ba?"

"Balik ulit tayo?"

"Hahaha."

"Pwede bang ihinto muna ang oras?"

"Try natin?"

"Sige."

"Paano?"

"Ewan ko."


* * *


San Fernando, Pampanga.

11:20 PM.


"Pagod ka na?"

"Oo. Ikaw?"

"Pagod na rin."

"Enjoy?"

"Yes."

"Good."

"Salamat, Pareng Mark."

"Salamat din, Pareng Kevin."

"One of the best days of my life."

"The best day of my life."


FIN.


 
Buy Me A Coffee

Story Copyright © 2010 Sympaticko