8
Malapit na mag-lunch break nang dumating si Huget sa bahay. Ayo' ko pa naman ang naghihintay nang matagal. Bad trip.
Hindi pa man nakakapasok sa pintuan, may paliwanag na siya.
"Sorry, Tol. Late akong nagising," bungad niya.
"Kanina pa kita gusto iwanan. Nahihiya lang ako sa 'yo."
"Sorry na. Tara na."
"Alas dose na. Sarado na ang mga opisina sa school."
"Anong oras ba magbubukas ulit?"
"Ala una y medya."
"Tutal kasalanan ko naman, libre na lang kita ng lunch."
"'Wag na."
"Tol, sorry na."
"Okey na."
"Tara na?"
"Oo. Ako manlilibre sa 'yo."
"Sus."
"Baka sabihin mo hindi ako tumutupad sa napagkasunduan."
"Iba naman ang utusan sa gatasan."
Natawa ako sa hirit niya. Nabura tuloy ang galit ko sa kanya.
"Sit. Roll. Bark. Ganon ang utusan, Tol."
"Gago."
Sa mall na kami nag-lunch at nagpalipas-oras. Pagkatapos kumain, naglaro kami sa arcade ng mall. Mahilig daw siya maglaro ng Resident Evil at kung ano pang patayan. Sunod lang ako sa kanya. Nanonood ng bawat kilos niya. Pagkatapos, nag-aya siyang kumanta sa videoke sa gitna. Kung saan maraming kumakanta at nanonood na mga tao.
"Ayo' ko, Pare. Ikaw na lang."
"Bakit?"
"Hindi ako marunong kumanta. Nakakahiya pa."
Natawa siya.
"Bakit tumatawa ka?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Nakakatawa lang kasi reaksiyon mo, Tol. Kakanta ka lang naman. Wala naman silang pakialam sa boses mo kahit na boses palaka pa yan."
"Pare, hindi ka na nakakatuwa."
"Joke lang yun. Baka suntukin mo na 'ko."
"Okey lang."
"Kakanta ka na?"
"Hindi nga. Kakulit mo naman."
"Hahaha! Sige. Ako na lang kakanta para sa 'yo."
"Sige. Gawin mo gusto mo."
Naghintay pa kami ng halos labinlimang minuto para tapusin ang mga kantang naka-reserved sa videoke machine. Puro ngiti si Huget sa gitna ng maliit na stage. Ang haba ng intro ng kanta kaya ang haba din ng oras niyang magpa-cute sa mga tao. Loko.
The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath.
And emeralds from mountains thrust toward the sky
Never revealing their depth.
Tell me that we belong together,
Dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above.
I'll be your crying shoulder,
I'll be love's suicide
I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life.
And rain falls angry on the tin roof
As we lie awake in my bed.
You're my survival, you're my living proof.
My love is alive and not dead.
Tell me that we belong together.
Dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above
I'll be your crying shoulder,
I'll be love's suicide
I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life.
And I've dropped out, I've burned up, I've fought my way back from the dead.
I've tuned in, turned on, remembered the things that you said
I'll be your crying shoulder,
I'll be love's suicide
I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life.
The greatest fan of your life.
...greatest fan of your life.
"Kanta mo ba 'yun sa girlfriend mo?"
"Wala nga ako, Tol, girlfriend."
"Oo nga pala. Sa ex mo..."
Ngumiti siya.
"Marami atang na-in love sa 'yo. Nakatingin silang lahat sa 'yo. Patay ka."
"Hahaha!"
Paalis na kami nang may humabol na isang taong kanina pa nakatingin kay Huget. Kinuha yung number niya. Agad naman niyang ibinigay. Pagkatapos ay may humabol pang isa at may isa pa. Lahat pinagbigyan ni Huget na kuhanin ang number niya.
"Pare, bakit nagbibigay ka ng cellphone number sa taong hindi mo naman kilala?" tanong ko.
Nginitian lang niya ako.
"Ibang trip pala ang alam mo, Pare."
"Basta" lang ang sagot niya.
Hindi pa man kami nakakalayo, biglang tumunog nang sunud-sunod ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko. Agad kong tinignan kung sino. Tatlong text messages galing sa tatlong unknown sender.
Hi. Ako nga pala si bla bla bla. Ano name mo? Sabi ng isa.
May girlfriend kaba? I'm bla bla bla. Sabi ng pangalawa.
Thanks ha. Anong pangalan mo. Cute mo. Ganda pa boses mo. Sabi ng pangatlo.
"Oh, ayan. Reply-an mo 'yang mga ka-text mo. Gamitin mo cellphone ko," sabi ko kay Huget, sabay abot ng telepono.
Ngumiti lang siya. Nakakainis, pero bakit ba hindi ko makuhang magalit sa kanya?
* * *
Saglit lang kami sa school. Nag-release lang ako ng mga grades sa mga titser ko. Inayos ang ilang grades na incomplete tapos pinasyal ko siya sa ilang mga lugar sa campus namin. Ipinakita ko rin sa kanya yung kinukwento kong basketball court na pinaglalaruan namin madalas. Ipinakilala ko siya sa kasamahan ko sa basketball team at ilang mga titser na kabiruan ko. Dinala ko rin siya sa mga tambayan namin sa school. Sa gilid ng auditorium kung saan kami madalas gumagawa ng mga kodigo. Sa tree house sa dulo kung saan kami madalas magkwentuhan ng kung anu-ano. Sa taas ng lumang building na tabi ng gymnasium kung saan namin napag-uusapan ang mga walang kwentang plano. Lahat ng kautuan ko sa eskwelahan, naikwento ko sa kanya. Lahat ng kabulastugan, nalaman niya. Ilang araw pa lang kami magkasama, magaan na agad ang loob ko sa kanya.
"Tol, madalas ka ba kumain dito?"
"Oo. Kapag nag-may-I-go-out na 'ko sa titser ko, dito na 'ko didiretso. Wala nang balikan sa klase."
"Fish ball boy ka pala e."
"Masarap lang kasi dito sa labas tumambay minsan. Hindi ka sakop ng rules ng eskwelahan. Pwede mong alisin 'yung ID mo at ibukas ang polo. Pwede kang manigarilyo dito at gawin ang gusto mo."
"Naninigarilyo ka?"
"Na-try ko na."
"Oh."
"Oo. Pero hindi ko na tinuloy. Bubugbugin kasi ako ng nanay ko kapag nalaman."
"Hehe."
"Ikaw ba?"
"Hindi rin."
"I-try mo minsan."
"Ha?"
"Kapag nagbago isip mo, tuturuan kitang manigarilyo."
"B.I. ka pala."
"B.I.?"
"Bad influence."
"Loko. Biro lang yun. Sige. Tuhog lang nang tuhog. Libre kita hanggang halagang limang piso."
"Limang piso? Nakaka-bente na 'ata ako."
"E problema mo na 'yun. Wala ako ngayon baon kasi bakasyon."
"Hahaha!"
* * *
Pagkalipas ng dalawang oras. Bandang alas kwatro ng hapon sa covered basketball court sa plaza malapit sa amin.
"Pare, bakit kasama mo 'yang si Huget?" pabulong na tanong ng isang kaibigan.
"Yaan mo na. Okey 'yan. Kaibigan 'yan."
Nakahalata naman agad si Kevin sa malamig na pagtanggap sa kanya ng mga kaibigan ko kaya nagprisinta na lang siya na hindi na maglalaro. May mababakante kasing isang tao kapag sumali pa siya.
"Hindi, Pare. Kasali ka. Ako ang lalabas. Ikaw ang maglaro," sabi ko kay Huget.
Nahiya naman 'yong isang kasama ko kaya nagboluntaryo na lang na pumalit sa second half ng laro. Wala nang problema. Makakapaglaro na kaming dalawa. Makakasama ko ulit siya sa game.
"Tol, 'yan ba 'yung mga kalaban natin?" sabay nguso sa mga tao na papalapit sa amin.
"Oo, Pre. Bakit?"
"E puro matatanda na 'yan, ah? Parang hindi papahuli ng buhay. Hindi basketball ang laban 'jan. Wrestling," sabi niya sabay tawa.
"Gago. Kaya natin 'yan."
"Bakit naka-tsinelas lang lahat?" tanong niya.
"Gano'n talaga. Masanay ka na. Larong kalye 'to."
"Magtsi-tsinelas na lang ako?"
"Wag na. Nakasuot ka na rin naman. Ituloy mo na. Tssk."
Sa simula pa lang ng game mainit na agad ang laban. Balyahan. Pisikalan. Sa halagang limandaang pusta, buhay mo ang nakataya.
Lagi ko na lang iniipit si Huget sa gilid ng court para hindi ma-braso sa loob ng court. Kinukuha ko ang mga bantay na bakulaw para hindi siya masaktan kapag sila ang nagbantayan. Hindi naman siya pahuhuli. Siya madalas ang pumupuntos. Paborito niyang pumukol sa labas. Hindi makalamang ang kalaban kaya naging mas pisikal ang laro.
Ipinasa niya sa 'kin ang bola. Dribble. Cross-over dribble papuntang gitna. Maraming bantay sa daraanan ko. May isang metro mula sa pinakamalapit na bantay, tumalon agad ako. Aktong ja-jump shot nang biglang may sumulpot sa harap ko. May sumabay galing sa gilid ko. Sahod!
Tumama sa katawan ko 'yong kalaban. Nawalan ako ng balanse sa ere. Bumagsak ako sa sahig ng court ng padapa. Mabuti na lang at hindi pangit ang pagbagsak ko. Imbis na tulungan akong bumangon ng sumahod sa 'kin, lumayo pa ito at hindi ako pinansin.
"Gago ba! E kung nabalian si Mark do'n!"
Nakita ko na lang si Huget na nakaamba ng suntok sa taong sumahod sa akin. Tumayo ako pero hindi ko na siya naabutan. Nahagip na niya 'yon ng suntok. Agad akong pumagitna ng aktong pagtutulungan na siya. Kakilala ko naman ang karamihan sa kanila kaya inarbor ko na lang. Hinatak ko agad si Huget, sabay sibat.
"Ano problema mo?" sabi ko.
"Sinahod ka. Tinawanan ka pa. Gumanti ako para sa 'yo tapos kasalanan ko pa."
Tinapik ko siya sa balikat. Diretso lang ang tingin niya habang nagda-drive.
"Kevin, Pare, salamat."
"Salamat lang?"
"Ha?"
"Ilibre mo na lang ako."
"Saan mo gusto?"
"Sa Max's."
"Hindi kaya ng wallet ko 'yun. Pang-Jolibee lang pera ko."
"Sige, kahit saan na lang. Kung saan ka masaya."
Beep. Beep. Mariel.
Hon dumating na visa ko. Usap tayo mamaya.